<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/13272625?origin\x3dhttp://realjulienne.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Thursday, December 15, 2005

Wala lang! Long post to mga pre!

Parang usual day lang ngaun at kahapon pero actually hindi. Parang nakakatamad mag-aral. May mas nakakatamad pa ba kahapon? Hehe! Grabe as in nagsayang lang ako ng Php 87 kahapon sa pamasahe. E wala namang sense kung papasok ka!

Ganito yun mga peepz (kung meron bang tao dito? tao po!), kahapon syempre nag-internet bago pumasok as usual todo listen to The Veronicas. Grabe kaadikan na to! Then edit ng profile nagbigay ng comment sa mga kilala sa xanga at blogspot hehe... E di ang aga nakarating ng uste ng bruha. Mga 2:30 andito na ko may 30 minutes pa ko. Eto umupo ang bruha sa bench sa tabi ng sports complex habang sinusuklay ang aking buhok at pinagmamasdan ang magiging future building ko next year sana palarin na makapasa sa Accountancy. Kung hindi katapusan ko na. Wala nang silbi ang mabuhay hehe!

Pag napasok ako dun aba swerte ko ha. Magigin future accountant na malapit pa sa mga pagkain. Bumaba ka lang ng building aba may pagkain na! Meron pa ngang KFC sa 2nd floor. Malamang puro fastfood chain yan. Di ko na kailangan pumunta ng Dapitan o sa Colayco Park para lang makakain. Pero actually wala talaga ako makain kahit ano. Palibhasa sa Colayco puro bakemac, carbonara, pansit, tacos, pizza ang makikita mo pati donut pala hehe. Sa Dapitan naman puro fast food ang makikita haay buhay nga naman. kitang nagtitipid ang lola nyo e!

Balik tayo sa kwento. Eto dumating si Ann Christine Tamayo (wow! full name yan kulang lang ng middle initial), ang aking classmate, at sinabihan ako na baka malate na naman ako sa Math e lagi naman akong late sa first subject. Pero ayoko na malate ayoko masabihan ulit na executive. hehe! So napaisip ako di na lang ako mag-iinternet sa library kahit libre hehe! KAya yun di ako nakapagpost kahapon.

E di yan ang aga ko sa room, 5 minutes pa. Nakakabagot nga e. Namiss ko din na lagi akong maaga sa room ha! Ang tagal ni Ms. Tiongco ang sexy naming prof sa Math. Crush yan ng mga classmate ko. Kung hindi ba sila mga sira ulo. Mahiya naman sila sa balat nila. Wala silang mapapakain kay ma'am noh! Actually gusto ko sya ang galing magturo. Si Micah ng 1HMid nagsit-in sa Math hehe di daw nya maintindihan turo ng prof nila. Oi miss ko na yan si Micah nagpalipat ka pa kasi ng sched e! Tapos discussion lang kami tapos maaga dismiss nya kasi pupunta daw sya UST Health Center.

Tapos la kami PGC syempre class picture. E di paganda todo ang mga kikay tapos si Abhie sabay hiram ng eyeliner ko di naman sanay maglagay masakit daw hindi naman e. 4:30 na punta na tau grandstand pero sabi nila punta daw muna kami main building baka andun daw ang pesteng photographer. Andun na ang maingay na si Kitz! Syempre picture taking na naman kami hehe! Adik talaga kami o wala na talaga kaming pag-asa.

As usual di na naman sumipot ang magaling na photographer. 5:00 na tinatamd na kami pumasok sa Psychology kaya napagdesisyunan ng buong klase na di kami aakyat hehe! mga tamad talaga o! At yung iba umuwi na nangunguna syempre si Regine hehe! LAgi naman e! Kaya e2 hintay kami nung5:45 na napagdesisyunan na namin kumain.

Bili kami ng food tapos akyat na talaga ng room! Tapos nung 6:00 dumating sila! Pinakita samin ni Joal ang kanyang nakuahaan. Aba at parang virus na kumalat ang picture. Ung main buildin ksi ang ganda putcha! Shet! sana nakita ko noh!

And then nung uwian na balik kami nina Camille para wla lang para makita din namin hehe!
=======
NGaun pumasok ako sa PE sayang di umulan. Pero masya naman. Una takbo dito takbo doon. Tapos naglaro na kami hehe! ang saya kami taya! Haha! Wohoo! Habulan na haha! Tapos kami naman batter team. Wow I can't believe na natamaan ko bola tapos syempre takbo waaa bilis ayoko maout. At syempre nakahomerun ako wohoo!!!!

At syempre walang pasok! Yehey! Buti na lang ayoko magquiz sa Filipino di nga ako nagbabasa dun e quiz pa gusto nyo hehe!

Mahaba ba masyado?


you will never be replaced ;
7:38 PM